Paglipat ni Aga sa TV5 iniyakan ni Charo Santos

PUMIRMA na ng tatlong (3) taong kontrata si Aga Muhlach kamakailan, ayon sa Entertainment Director na si Percy Intalan.

Inamin ni Aga sa isang interview na pagkatapos niyang magmuni-muni habang nasa kanyang vacation house sa Batangas, nagdesisyon siya na tanggapin ang offer ng TV5 kung saan sisimulan niya ang tatlong magkakasunod na projects na magsisimulang umere ngayong Mayo o Hunyo, ang pangalawa sa September at ang isa, early next year.

Hindi agad nakapag-react si Aga nang tanungin kung sino sa Singko ang kanyang magiging leading lady, at isang safe na sagot ang kanyang ibinigay: “Bahala  na ang TV5!”

Komento nga isang manunulat, “naku, delikado iyan sa leading lady.”

Sa mga sumunod na tanong, nadulas si Aga at nagbanggit na may iba pa na susunod at baka doon siya kukuha ng leading lady niya, ng director. Ibig ba sabihin, wala siyang type na katrabaho o leading lady sa Singko?

“Wala pa sila dito, papunta na rin,” sambit ni Aga.

Ano raw ba ang big deal sa paglipat niya sa Singko? Walang patumpik-tumpik niyang sagot na ang vision ang mission ng TV5.

PAG-ALIS NI AGA, INIYAKAN NI CHARO

Balitang iniyakan ni Charo Santos ang kanyang pamamaalam, pero wala naman daw silang naging problema. “Hindi naman lahat ng lumilipat ay may problema. I just told her I want something different and TV5 is offering it to me, Aga said. “I don’t deny that there was a little dissatisfaction, may mga pagkakamali but maybe, ako may pagkakamali rin,” he confessed.

He divulged some facts but tried to withhold some and apologized for he is not in a position to reveal some facts. “I want to answer all your questions, but I can’t, so I beg for your understanding. Maybe, we could just wait for the network’s future announcements.

CHARLENE, DI PA AALIS NG DOS, PERO MALAMANG SUMUNOD NA RIN

Charlene will stay with The Buzz dahil hindi naman necessary na lumipat siya. Pero nag-speculate na ang ibang writers na sa pagiging supportive ni Charlene sa kanyang asawa, hindi magtatagal na mag-ober da bakod na rin ito sa darating na araw. Malamang na kasama siya sa binabanggit ni Aga na “papunta na sila dito.”

Hintayin natin ang susunod pagputok ng mga balita. Evelyn M. C. Diao

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply