Pagnanakaw sa LTO inside job

INSIDE JOB ang nakikita ng pulisya kung kaya matagumpay na naisagawa ang pagnanakaw sa Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City noong Holy Week.

Ayon sa report ng dzBB, nalaman lang na may nawawalang ari-arian sa naturang opisina noong umaga ng Lunes, Abril 25 kung saan tinatayang P140,000 ang nakuha.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakapasok ang salarin sa second floor ng LTO at nakuhang maalis ang airconditioning unit dahilan upang makapasok ang mga kasamahan nito.

Matapos sirain, hinalungkat na ang mga drawer sa iba’t ibang section ng opisina kasama na ang plate custodial section, at kinuha ang mga mahahalagang bagay, tulad ng special license plates.

Nabatid pa sa dzBB na kinuwestiyon ng pulisya ang mga guwardiya na nakadestino noong Mahal na Araw sa naturang opisina. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply