Pagpalag ng oposisyon, minaliit ng LP

HANDA ang mga kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa Kamara sa marching orders diumano ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. na palagan ang gobyerno laban sa mga paninira sa oposisyon.

Sinabi ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, Jr., miyembro ng Liberal Party (LP), ang pahayag ni Quezon Rep. Danilo Suarez ay normal lamang sa takbo ng politika sa bansa.

“I’d welcome such. As minority, that is their role. A vibrant minority is healthy for a democracy. They should be firm in their resolve,” ayon kay Abaya, chairman ng House Committee on Appropriations matapos na magbabala si Suarez na ang opposition bloc ay maghahayag  ng tatlong malalaking issue laban kay Aquino kabilang dito ang korapsyon at inefficiency.

Sa panig naman ni Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara, iginiit nitong ang tunay na papel na dapat gampanan ng oposisyon sa isang demokrasyang bansa ay ang pagpuna sa kahinaan ng kasalukuyang administrasyon at umakto bilang taga-check sa gobyerno.

Ayon naman kay Akbayan partylist Rep. Walden Bello, desperado na umano si Suarez.

“They’re saying that for months. It is just a desperate effort to draw public attention from the impeachment process and the Mikey Arroyo tax evasion case,” binigyang diin pa ni Bello.

Maging ang kaalyado ni Suarez na si Davao del Sur Rep. Marc Douglas Cagas IV ay hindi sang-ayon sa naunang pahayag ng kongresista ng Quezon.

“I take exception to the statement of Cong. Suarez, with all due respect to him. I don’t wish that this administration fails. In fact I want it to succeed because the nation will succeed with it. While I’m in the minority, I am unlike the previous opposition, which was destructive. I play my role as member of the minority, to debate on issues, policies and principles,” sinabi pa ni Cagas. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply