Isyu sa tax evasion case ni Mikey, itigil na

PINAYUHAN ng isang Obispo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tigilan na ang pagpapalabas ng statement sa media kaugnay sa kasong tax evasion laban kay Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo at asawa nitong si Angela.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa halip na maglabas ng public statements ang pamunuan ng BIR ay nararapat na maghanda ng mga ebidensya para mapalakas ang pag-usig sa kasong kinakaharap ng mag-asawang Arroyo.

“They should be ready for this to bring it to the court and to justify it to the Department of Justice and to pursue it,” pahayag ni Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag pa ng Obispo na ang pagbibigay ng statement sa media ay mangangahulugan lamang na ito ay pawang panggigipit ng administrasyong Aquino.

Ang party-list legislator ay anak ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na binabato ng kritisismo ng kasalukuyang administrasyon kaugnay sa pagkakasangkot sa iba’t-ibang anomalya.

Nanawagan din si  Bagaforo sa BIR wag i-single out ang mga Arroyo at habulin din ang ibang politiko na hindi nagbabayad ng kanilang buwis sa gobyerno.

Nagsampa ang BIR ng kaso laban sa mag-asawang Arroyo dahil umano sa hindi pagbabayad ng P73.85 million tax liabilities. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply