Pagpapatawag sa mag-asawang Arroyo sa impeachment trial masyadong maaga

MAGUGULO lang at masyado pang maaga para ipatawag ang mag-asawang  Arroyo sa isasagawang impeachment trial kay Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Mayo 9.

Naniniwala si Senador Gregorio Honasan na mahahaluan ng kulay pulitika ang paglilitis kay Gutierrez kung ipatatawag si dating pangulo at ngayon ay congresswoman Gloria Macapagal Arroyo at kanyang mister na si Mike Arroyo.

Nangangamba rin ang senador na mauuwi sa pagkakahati-hati ng mga pulitiko ang impeachment trial kay Gutierrez kung sesentro ang usapin kay dating Pangulong Arroyo.

Iginiit ni Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na hindi dapat mauwi sa trial by publicity ang impeachment court dahil sensitibo ang kanilang gagawing paglilitis kay Gutierrez.

Ipinaliwag din ni Honasan na hindi sa nag-aabugado siya sa pamilya Arroyo subalit dapat maging malinaw na si Gutierrez lang ang isasalang sa impeachment trial.

Nauna rito, hiniling ni Partylist Rep. Walden Bello na dapat imbitahan bilang testigo sina Congresswoman Arroyo at ang asawa nito na si Mike Arroyo. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply