Pagsabog ng eroplano sa Baguio iimbestigahan

SINIMULAN na ng Civil Aeronautics Administration (CAA) ang malawakang imbestigasyon sa naganap na airplane crash sa Camp John Hay, Baguio City  na ikinamatay ng dalawang pasahero at pagkakasugat ng tatlong iba pa.

Ayon kay Police Senior Inspector Ruben Porte ng Baguio City Police Office (BCPO) nagsagawa na ng inisyal na imbestigasyon ang  CAA sa mga nakalap na pira-pirasong bahagi ng eroplano na nag-crash sa Camp John Hay.

“The BCPO will help in the investigation although we have limited information of the incident,” ayon kay Porte.

Nakasakay sa single engine plane ang anim na empleyado ng Techo Air Company na nakabase sa Plaridel, Bulacan nang mag-take off nitong nakaraang Linggo ng hapon, ilang minuto ang nakalipas ay nag-crash nang sumabit sa pine tree sa Camp John Hay.

Tatlo sa mga nakaligtas ay kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC). Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply