Pagsibak kay Gonzales ikinatuwa ni De Lima

ISA umanong positibong hakbang sa paglilinis ng gobyerno ang ginawa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pagsibak kay Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III.

Ito ang naging pahayag ni Incident Investigation and Review Committee head at Justice Sec. Leila de Lima dahil isa umano ang kaso ni Gonzales sa nilalaman ng kanilang rekomendasyon sa phase I ng IIRC report.

Si Gonzales ay matatandaang itinuro ng hostage taker sa Manila hostage incident na si S/Insp. Rolando Mendoza na nangikil sa kaniya ng daan-daang libo para lamang maglabas ng desisyon na pabor sa respondent.

Base sa salaysay ni SPO2 Gregorio Mendoza, ginipit ang kanyang kapatid hinggil sa kaso nito sa Office of the Ombudsman na maaaring naging sanhi kaya ginawa nito ang marahas na pag-hostage at pagpatay sa Hong Kong tourists. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply