Pagsugpo sa krimen sa Mindanao, tutugunan

PAGSUGPO sa krimen.

Ito ang ginagawa ng Aquino administration  para matugunan ang problema sa katahimikan at kaayusan sa Mindanao.

Tiniyak din nito ang kalutasan, gaya ng naganap na krisis sa kidnapping sa Agusan del Sur.

Sinabi ni Exec. Sec. Paquito Ochoa na mariing tinutukan ng Palasyo ang sitwasyon Sa Agusan del Sur para tiyakin ang  mapayapang pagwawakas ng pag-uusap ng mga awtoridad at ng mga dumukot sa 16 na guro at mag-aaral ng bayan ng Prosperidad.

“Nakatutok kami nang maigi sa mga nangyayari at naniniwala kaming malulutas ito nang maayos,” ani Ochoa.

Nagbunga nga ng maganda ang ginawa ng pamahalaan.

Ayon pa sa Executive Secretary, ang Aquino administration ay matatag sa paninindigang wakasan ang mga gawaing kidnapping at iba pang problema sa seguridad sa naturang rehiyon.

Binigyan-diin ni Ochoa na ang mga naturang problema sa katiwasayan ay nagpapatunay na kailangang sikapin ng gobyerno na isulong ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at lalong pag-ibayuhin  ang  pagsisikap ng Pambansang Pulisya na sugpuin ang mga krimen.

Idinagdag pa ni Ochoa na pangunahing patakaran ng gobyerno ang pagsugpo sa krimen para mamayani ang katiwasayan sa bansa.

VK COP HINDI  TAKOT KAHIT SA PD

Wala pa rin aksyon kaugnay sa sandamukal na mga makina (VK) itong bata ni San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga na si PO2 Cruz. Aba’y ultimo itong si N.E. PD Supt. Roberto Aliggayu ay walang magawa sa tao niya kahit pasimuno ng paglalatag ng mga makina sa Nueva Ecija.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189-274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply