Pagtaas ng langis, pagbaba ng ekonomiya

HADLANG sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa ang patuloy na pagtaas na presyo ng pangunahing pagkain at langis.

Ito ang sentro ng naging talakayan sa taunang meeting sa Asian Development Bank kung saan dumalo si Sen. Edgardo Angara.

Ani Angara, chairman ng Congressional Commission on Science Technology and Engineering (COMSTE ), ang pagtaas ng halaga ng pagkain at langis ang nagpapagulo sa takbo ng ekonomiya ng bansa.

“The ADB’s upcoming annual meeting of its board of governors in Hanoi, Vietnam, will assess these immediate and long-term hurdles with ministers and senior government officials, business leaders, fellow international financial institutions, and civil society representatives,” diin ng ADB.

Gayunpaman, iginiit ni Angara ang lang posibleng solusyon sa problemang kinakaharap na kung saan ibinida nito ang pagsusulong ng electric vehicles na makakatulong hindi lamang sa tumataas na presyo ng langis kundi maging sa lumalalang polusyon.

Hinggil naman sa usapin ng seguridad sa pagkain, sinabi ni Angara na kumikilos ang Department of Agriculture para mapaunlad ang farm to market logistics sa pamamagitan ng pagkakaroon ng agricultural system na kakayanin ang climate change. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply