SSS contribution hike tinutulan ni Sen. Recto

KABILANG na si Senator Ralph Rector sa hanay ng mga tumututol sa plano ng Social Security System (SSS) na taasan ang premium na kinokelekta sa mga empleyado at mga employers.

Ayon kay Recto, walang mabigat na dahilan ang SSS para magtaas ng kontribusyon dahil napakalaki ng pondo ng ahensya at napakalaki rin ang nalilikom nitong kita buhat sa mga investments nito.

Nauna rito, iniulat na kahit tutol mismo ang Pangulong Benigno Aquino III, ay itutuloy umano ng SSS na itaas sa 11 percent ang kasalukuyang 10.04 percent na kontribusyon ng mga miyembro.

Ikinatwiran ng SSS na kailangan ito para madagdagan ang benepisyo ng mga miyembro at upang umano’y mapahaba ang buhay ng SSS.

Noong 1980, tinantya na magiging perpetual o habambuhay ang itatagal ng SSS pero dahil 21 beses nang umakyat ang benepisyo ng mga miyembro nang hindi
nasasabayan ng increase sa contribution ay maaaring hanggang 2039 na lang diumano ang buhay nito.

Ayon kay Recto, kalokohan ang sinasabi na kakapusin ang actuarial life ng SSS dahil malaki ang pondo ng ahensya at ang pondo nito sa iba’t ibang investments at ito ang maaaring gamitin ng mga miyembro.

Giit pa ng Senador, ang mas angkop na gawin ng mga taga-SSS, bawasan ang perks ng kanilang mga director. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply