Pagtataas ng pasahe sa MRT pagbaba ng ratings ni PNoy

LALO pang babagsak ang net satisfaction ratings ni Pangulong Benigno Aquino III kung itutuloy ng administrasyon ang planong pagtataas sa halaga ng sinisingil na pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit, ayon sa isang senador.

Inihayag ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa isang panayam nitong Huwebes na tututulan niya sa Senado ang planong isapribado ang MRT at LRT upang makatipid ang pamahalaan sa paglalaan ng subsidy.

Ani Zubiri, ito ang hudyat ng panibagong pasanin sa balikat ng taumbayan.

“I am against the privatization of LRT and MRT,” aniya.

Ayon kay Zubiri, hindi dapat itaas ng administrasyon ang pasahe sa MRT at LRT dahil pangkaraniwan nang lugi ang lahat ng metro rail system sa buong mundo na binibigyan ng subsidy ng pamahalaan bilang tulong sa mamamayan.

“Matitigas talaga ulo ng MRT at LRT na ito eh, kailangan muna nila ma-justify itong increase na ito at kailangan muna nila malaman na halos lahat ng metro rail systems ng iba’t ibang gobyerno ay subsidized ng kanilang gobyerno para matulungan ang kanilang kababayan,” ayon kay Zubiri.

Ibinabala pa ni Zubiri na kung itutuloy ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang planong pagtataas ng pasahe, tiyak na muling bubulusok ang net satisfaction ratings ni Pangulong Aquino tulad nang nangyari sa pagbili nito ng isang mamahaling kotse, ang Porsche.

“Kapag inaangat nila iyan by 100 percent or 50 percent magaalburoto po ang mga residente ng metro manila at lalo pong makikita natin ang approval ratings ni presidente na babagsak,” paliwanag niya.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply