Pahayag ng mga taga-opisiyon magkataliwas

MISLEADING.

Ito ang reaksyon ni House Deputy Speaker Erin Tanada sa banta ng oposisyon na hindi na sila mananahimik sa mga isyung ipinupukol ng administrasyon dahil kakasahan na nila ito.

Tahasang sinabi ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez Huwebes, Abril 14, sa Balitaan sa Serye na nagbigay na ng marching order ang presidente ng Lakas Party na si Sen. Ramon “Bong” Revilla.

Ayon kay Suarez, kasama diumano sa go signal na ibinigay ni Revilla ang paghahain ng tatlong resolusyon sa Kamara na magsusulong sa imbestigasyon ng iba’t-ibang anomalya sa pamahalaan.

Ayon kay Tanada, misleading ang pahayag ni Suarez dahil agad pinabulaanan ni Revilla ang umano’y marching order nito.

“We will wait for whatever disclosures Rep. Suarez will make if there is really any. What is intriguing is the contradictory statements issued by Sen. Revilla and Rep. Suarez on the position of Lakas vis a vis the Aquino administration. It just shows that Lakas is not united and Sen. Revilla is not being listened to,” ayon kay Tanada. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply