Pahinante napisak ng sinasakyang trak

PISAK ang kalahating katawan ng isang pahinante ng dump truck matapos na madaganan ito nang tumalon sa sobrang pagkataranta nang mawalan ng kontrol ang kanilang sasakyan Miyerkules ng madaling araw, Abril 20, sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si  Rommel Cuvillana, 24, residente ng Quezon City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong  ala-1:00 ng madaling-araw sa zigzag road ng Don Mariano ext., Brgy. San Jose sa nasabing bayan.

Nabatid na sakay ang biktima ng dump truck na puno ng graba na may plakang UTZ-384 at minamaneho ni Joes Latela, 50, residente naman ng Vincent Homes, BF Homes, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Nagkaroon umano ng engine trouble ang kanilang sasakyan na ikinataranta ng biktima at sa kabila ng pagpigil ng driver ay tumalon pa rin ang pahinante kung saan naman tumumba ang nasabing truck.

Sa tulong ng recue team ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay natanggal ang wala nang buhay na katawan ng nabangit na pahinante. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply