Pakikisawsaw ni PNoy sa impeachment labag sa Konstitusyon – Rep. Lagman

NILALABAG na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino ang Konstitusyon dahil sa pagsawsaw nito sa impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez gayung ang kapangyarihang ito ay tanging nasa kamay lamang ng Kongreso.

Ito ang ginawang pagpuna ni Minority Leader Edcel Lagman dahil sa mga lantaran at direktang pagsusulong ni Aquino na tuluyang ma-impeach o mapalayas sa puwesto si Gutierrez.

Ipinaliwanag ni Lagman na nilalabag ng Pangulo ang Konstitusyon dahil sa patuloy nitong pagkukomento sa impeachment ni Gutierrez.

Nakasaad sa Section 3 (1) ng Article XI ng Konstitusyon na “House of Representatives shall have the exclusive power to initiate all cases of impeachment,” habang nasa Section 3 (6) naman nito na “Senate shall have the sole power to try and decide all cases of impeachment.”

Tahasang sinabi ni Lagman na walang papel ang isang Presidente sa impeachment proceedings.

Ang katotohanan aniya ay nakasaad sa Section 19 ng Article VII na “the President is expressly prohibited from granting reprieves, commutations and pardons in cases of impeachment.”

Ayon kay Lagman ay pinanghihimasukan na ng Presidente ang kapangyarihan ng Kamara nang ipag-utos nito sa mga kongresistang miembro ng Liberal Party “to impeach the Ombudsman.” Meliza Maluntag

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply