Palasyo hugas-kamay sa tax evasion case vs Mikey

NAGHUGAS ng kamay ang Malakanyang sa pagsasampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P73 milion tax evasion case si Ang Galing Party-list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo at asawa nitong si Angela.

Ang katuwiran ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda, nangalap ng ebidensiya ang BIR laban sa mag-asawang Arroyo at hindi aniya ito personality-based.

Inamin naman ni Lacierda na ipinaalam ng BIR sa Punong Ehekutibo ang pangangalap nito ng ebidensiya laban sa mag-asawang Arroyo.

“So it gathered all the evidences first and it will now be up to the Department of Justice to evaluate what possible charges would be filed against them,” anito.

Kaya malinaw lang umano na walang kinalaman ang Malakanyang sa pagsasampa ng kaso ni BIR sa mag-asawa.

“There’s a process that we call a preliminary investigation and they will evaluate whether there is a probable cause to indict them,” dagdag pa ni Lacierda.

Pinalagan naman ng Malakanyang na sini-single out ng Malakanyang ang dating administrasyon at mga kaalyado ni dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Rep. Gloira Macapagal-Arroyo.

Pinaalalahan din ng Malakanyang ang publiko na magbayad ng tamang buwis lalo pa’t tuluy-tuloy ang ginagawang pagwawalis ng pamahalaang Aquino sa graft and corruption.

Puntirya rin ng Aquino government ang tinatawag na “leakages in the tax administration.”

Sa ulat, iginiit ni Cong. Mikey Arroyo na wala siyang itinagong mga ari-arian dahil ang lahat ng mga ito umano ay deklarado sa kaniyang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN).

Dinepensa rin ni Mikey ang asawang si Angela Montenegro-Arroyo sa pagkakadawit sa kaso.

Ayon sa former presidential son, walang trabaho ang kaniyang misis kung kaya’t wala itong dapat ideklarang income tax.

“Let me assure the public that I have done nothing wrong. That I filed my taxes properly.” Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply