Palasyo pinagpapaliwanag sa pagsibak sa deputy OMB

PINAGPAPALIWANAG ng Supreme Court (SC) ang Malakanyang kaugnay sa petisyon ng sinibak na Deputy Ombudsman na si Emilio Gonzalez III.

Batay sa SC en banc resolution kailangang magsumite ng komento ang Malakanyang sa loob ng sampung araw hinggil sa kahilingan ni Gonzalez na maharang ang dismissal order ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Una nang nagpasaklolo sa SC si Gonzalez na magpalabas ng status quo ante order at maharang ang naging kautusan ng Malakanyang.

Iginiit ni Gonzalez na ang Ombudsman ay isang independent body na malinaw na nakasaad sa Article XI ng saligang batas at ng Republic Act 6770 o ng Ombudsman Act.

Iginiit rin niya na tanging ang Ombudsman ang may kapangyarihan na magsibak ng kanyang deputy o special prosecutor matapos sumailalim sa kaukulang proseso.

Magugunitang na nito lamang Abril 1 ay sinibak ni Pangulong Aquino si Gonzalez matapos apatunayang guilty ito sa kasong neglect of duty at gross misconduct kaugnay sa paghingi umano ng P150,000 mula sa hostage-taker na si Captain Rolando Mendoza kapalit ng mabilis na pag resolba sa kasong nakabimbin sa Ombudsman.

Nanindigan naman ang Ombudsman na huwag ipatupad ang dismissal order laban kay Gonzalez dahil sa pagiging independent body nito.

“The Office of the Ombudsman shall have disciplinary authority over all xxxx appointive officials of the Government xxx except over officials who may be removed only by impeachment, or over members of Congress and the Judiciary,äni Gonzalez. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply