Palasyo tuloy sa paghanap ng solusyon sa oil crisis

HINDI nagustuhan ng Malakanyang ang ulat na band aid solution lamang ang fuel subsidy na ipagkakaloob sa mga tricycle at jeepney drivers sa susunod na buwan.

Ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na bagama’t short term solution ito ay patuloy namang silang naghahanap ng long term solution para sa problemang kinahaharap ng transport sector sa presyo ng langis.

“That’s why we are making sure that even our short term solutions will not affect our long term consequences,” anito.

Sa kabilang dako, iginagalang naman ng Malakanyang ang napipintong serye ng kilos-protesta ng mga manggagawa sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.

“We respect their right but to say that we are sleeping on our obligation to help the public is not true. We are trying to find ways and means to solve this ongoing crisis,” aniya pa rin. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply