Palea nagpasaklolo sa simbahan

NAGPASAKLOLO na ang Philippine Airlines Employees Association (Palea) sa simbahang Katoliko sa kanilang laban para sa seguridad sa kanilang trabaho.

Ayon kay PALEA President Gerry Rivera, mahalagang mabuo ang pagkakaisa ng simbahan at manggagawa sa laban ng Palea kontra sa outsourcing plan ng Philippine Airlines na magiging dahilan umano ng lay-off ng 2,600 mga empleyado.

Sinabi ni Rivera na handa na silang mag-strike pero sa pamamagitan ng certification order na inisyu ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ay hinarang ang kanila umanong weapon of last resort.

Dahil dito, tatlong karapatan na umano ng Palea sa ilalim ng Labor laws ang nilalabag ng gobyerno – ang karapatan sa seguridad sa trabaho, sa collective bargaining at maging ang kanilang karapatan na mapayapang mag welga.

Nagpapakita din umano ng double standard ang administrasyong Aquino nang payagan ang outsourcing ng PAL habang sinasarhan ang pinto para sa karapatan ng mga manggagawa nito. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply