Paluan na Shakeys V-League Season 8 ngayon

MAGSISIMULA nang magpaluan ang Shakeys V-League Season 8, alas dos ngayong hapon sa Filoil Flying V-Arena sa San Juan City kasunod nang magarbo at makulay na opening ceremony.

Itatanghal sa seremonya ang mga tinanghal na most valuable players ng nagdaang season at ang paglahok ng dalawang bagong volleyball teams — ang Southwestern University ng Cebu at ang Bacolod University of La Salle para mabuo sa 10 teams ang magbabakbakan.

Ang iba pang koponan ay ang Far Eastern University Lady Tamaraws, Ateneo Lady Eagles at National University Lady Bulldogs, Perpetual Help, Adamson Lady Falcons, San Sebastian Lady Stags, Lyceum Lady Pirates at Saint Benilde Lady Blazers, sa opening game sa pagitan ng Lady Tamaraws and Lady Eagles at kaisa-isahang import na si Kesinee Lithawat ang masisilayan sa panig ng Lady Eagles na may bagong coach sa katauhan ni dating star player Charo Soriano.

Maasahan ng lady Eagles ang mga beteranong tossers na si Fillet Cainglet, Bea Pascual, Dzi Gervacio at setter na si Jen Ferrer samantalang tatayong guest player si Allysa Valdez.

Magbabalik laro naman sa Morayta tossers ni Coach Nes Pamilar ang dating standout na si Rachel Daquis na makakasama sina Maica Morada, Cathy Magsumbol, Rosemarie Vargas, Donna Henson at Gyzelle Sy. Ang dating UAAP most valuable player na si Cherry Vivas ay kinuhang maglaro bilang reinforcement ng NU Lady Bulldogs.  Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply