Pamangkin ni kap, 2 pa tiklo sa shabu talipapa

CAVITE — Arestado ang nagpakilalang pamangkin ng isang barangay captain at isang kagawad sa sinalakay na “shabu talipapa” ng grupo ng PDEA Calabarzon sa lungsod ng Cavite.

Kinilala sa ulat ang ilan sa mga suspek na sina Evelyn Viray, kagawad ng barangay at pamangkin umano ng kanilang barangay captain, Gilbert Cayas at Jennifer Nazareno, pawang mga residente ng Brgy. Sapsap, Cavite City.

Sa report na nakalap mula kay Calabarzon-PDEA Chief Jeffrey Bangsa, dakong ala-1:00 ng hapon nang salakayin ang nasabing baran-gay kasunod ng reklamo ng mga residente hinggil sa lantaran umanong bentahan ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Matapos makakuha ng search warrant mula sa korte ay tinungo ng raiding team ang lugar ng mga suspek.

Hindi naman nakatakas ang mga suspek na nasorpresa sa pagsalakay at nakumpiska sa kanila ang hindi pa nabatid na dami ng shabu at mga paraphernalia nito.

Nabatid pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ginagamit ng mga suspek ang pangalan ng kaanak na punong barangay kaya pinangingilagan sila sa kanilang barangay.

Dahil dito ay sa PDEA na nagsumbong ang mga residenteng tumutuligsa sa iligal umanong gawain ng mga suspek. Rubie Garcia

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply