Pamba-blackmail ni Brillantes ibinulgar

IBINULGAR ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pamba-blackmail ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa kanya upang makalusot sa kumpirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Sa press conference nitong Lunes, Abril 4, sinabi ni Cayetano na may emisaryong lumapit sa kanya noong kasagsagan ng paghahain ng kumpirmasyon ni Brillantes sa CA upang palusutin siya kapalit ng kaso ng asawang si Taguig Mayor Lanie Cayetano.

“Sabi ng emisaryo sa akin, huwag nang mag-alala sa election protest na isinampa laban sa aking kabiyak na si Lani at sila na ang bahala, kapalit ng kumpirmasyon sa CA,” ayon kay Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na papangalanan niya sa angkop na forum ang emisaryo upang mailantad ang kabulukan ng sistemang ipinaiiral ni Brillantes sa Comelec.

Nauna nang tinututulan ni Cayetano ang kumpirmasyon ni Brillantes dahil dati itong election lawyer ng pamilya Tinga na tinalo ng kanyang asawang si Lani sa mayoralty race sa Taguig City.

Nagsampa naman ng election protest ang kampo ni Tinga sa Comelec na nakatakdang dinggin ng komisyon sa pamumuno ni Brillantes.

Idinagdag pa ni Cayetano na idudulog niya sa makapangyarihang CA ang naturang pamba-black mail ni Brillantes upang maimbestigahan ang insidente bago simulan ang pagpapatuloy na proseso sa kumpirmasyon ni Brillantes.

Miyembro si Cayetano ng CA at tumatayong minority leader ng komisyon. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply