Pambili ng bigas bantayan

NAPRANING sina PNoy sa lumabas na ulat ng National Intelligence Coordinating Agency ukol sa krisis sa suplay sa bigas.

May umamin kaagad na totoong ulat iyon ng NICA habang may nagsabing peke iyon.

Sabi ng mga umamin, matagal na umano iyon at for your eyes lang kay PNoy.

Pero may nagpasingaw sa media.

Sabi ng mga nagsabing peke ang ulat at walang iniuulat ng NICA na ganun, maaaring kagagawan ng lahat ng  rice cartel.

Ang rice cartel ang humahawak sa P50-60 bilyon na importasyon sa bigas, kasama na ang bilihan-bentahan nito sa loob ng repablik ni Juan at ang bilihan-bentahan din ng mga neytib na bigas.

Siyempre pa, kasama sa raket ng mga ito ang oberpraysing sa impor-ted na bigas.

Hindi umano makaporma sa pagkorner sa bigas ng National Food Authority ang cartel ngayon kaya sila ang nasa likod ng pekeng balita ukol sa krisis sa suplay sa bigas?

oOo

Kasunod nito, Suki, ang pagdedenay nina PNoy sa laman ng balita na may krisis na o napipintong krisis sa bigas. Ang totoo, sabi nila, meron na silang nabiling bigas mula sa ibang bansa, maganda pa ang ani ni Juan.

Sa madaling salita, wala umanong krisis sa bigas.

Meron na rin umanong reserba kung sakaling magkaroon naman ng mga kalamidad.

Ang sigurado lang umano ay ang pagmamahal ng komersiyal na bigas dahil sa paglobo ng presyo ng langis at paglobo rin ng mga toll sa mga haywey na dinaraanan ng mga ito.

oOo

Habang napapraning sina PNoy at pilit na nagsasabing walang krisis sa suplay ng bigas, milyon-milyon naman ang nagsasabing wala sila ni pambili ng bigas.

Tanungin niyo pa ang SWS!

Hindi ba ito ang dapat na unahing isipin nina PNoy, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply