Pamilya Dacer umapela na sa Korte Suprema

PORMAL nang umapela sa Korte Suprema ang kampo ng pamilya Dacer kaugnay ng ginawang pagbasura ng Court of Appeals sa kasong pagpatay laban kay Sen. Panfilo Lacson.

Ayon kay Atty. LJ Brillantes, abogado ng mga Dacer, hiniling nila sa kanilang 93-pahinang petition for review na baligtarin ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Court of Appeals pabor kay Lacson.

Kinuwestiyon ng kampo ng mga Dacer ang ginawang pagbasura ng Court of Appeals sa nasabing kaso kahit wala pang isinasagawang full-blown trial hinggil dito.

Iginiit ni Brillantes na ang pagbasura sa kaso ay dapat na ipinaubaya sa mababang hukuman na siyang may kapasidad para tukuyin ang kredibilidad ng isang testigo.

Sinabi ni Brillantes na kinuwestiyon din nila ang ginawang pagpapawalang bisa ng Court of Appeals sa arrest warrant laban kay Lacson dahil wala naman daw kapangyarihan ang CA na magpalabas ng immediate execution sa sarili nitong desisyon batay na rin sa naunang resolusyon ng Korte Suprema.

Bukod sa petition for review, kasama ring isinumite ng kampo ng mga Dacer ang bultu-bultong mga dokumento na naglalaman ng kabuuang mga pleading na may kinalaman sa kaso dahil ito ang unang pagkakataon na iniakyat sa Korte Suprema ang Dacer-Corbito double murder case. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply