Pamilya nalason sa butete sa Cebu

ISANG matandang lalaki na mangingisda at paslit ang nasawi habang ang asawa ng una at isa pang bata ang nagpapagaling makaraang malason sa isang puffer fish o butete sa Cebu.

Ayon sa report ng dzBB, naganap ang insidente sa Brgy. Batigues, Bantayan naturang lalawigan.
Kinilala ni Bantayan police chief Senior Inspector Florindo Fajardo ang mga nasawi na sina Peter Cordova, 39; at anak nito na si Peter Paul, 8.

Nabatid din kay Fajardo na nasa mabuti nang kalagayan ang asawa ni Peter na si Eva at isa pang anak na hindi pa batid ang pangalan.

Ayon sa imbestigasyon, inulam ng pamilya ang naturang isda makaraang mahuli ang isang kilo nito, kahit na nagbigay ang lokal na pamahalaan ng babala na nakalalason ang pagkain na ito.

Batay pa sa inisyal na ulat, matapos kainin ng pamilya Cordova ang butete, bigla na lamang nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, at pagsusuka ang mga ito.

Kaagad na tinakbo ang mga ito sa Bantayan District Hospital at doon na rin nasawi ang mga mag-ama. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply