Pananakot at pagkansela ng prangkisa ang sagot?

ITINULOY ng mga tsuper at operator ng mga jeepney at iba pang nasa pampublikong sasakyan ang kanilang karaban o tigil pasada.

Alam ng lahat ang inihatid na mensahe sa mga onorabol ng mga nagkaraban.

“Solusyonan ang suliranin sa Oil Price Hike. Naw na!”

Pero hindi ban eyd na solusyon ang hiniling nila kundi mga pangmatagalan.

Ban eyd o maliit na solusyon lang ang tingin nila sa diskuwento na isinusubo sa kanila. Gud por wan mant lang kasi ang diskuwento samantalang layptaym ang gustong OPH ng mga kompanyang langis.

Ipinagmamalaki nina Pnoy na halagang P500 milyon ang mawawala sa kaban ng bayan dahil sa diskuwento.

Pero tutpik lang naman umano ito sa mahigit P100 bilyon na kita ng gobyerno taon-taon sa expanded value added tax sa petrolyo at habang nag-o-OPH ang mga kompanya, lalong lumalaki ang EVAT.

oOo

Matatandaan, Suki, na tinakot muna ng mga tsuwariwap ni Pnoy ang mga tsuper at operator bago nagkaraban ang mga ito.

Oras na may maparalisa umano sa mga ruta, sasampahan ng mga tsuwariwap ng kaso ang mga nagkaraban para matanggalan ng  prangkisa ang mga ito. Claire de la Fuente istayl.

Ngayon, tototohanin ba ng mga tsuwariwap ang kanilang pananakot?

Ang masasabi natin ay ito: subukin muna ng mga tsuwariwap ang maging tsuper at operator ng mga dyipni at traysikel.

Kapag naramdaman nila ang hirap at gutom dahil sa OPH at EVAT, doon na nila tanggalan ng prangkisa ang kanilang mga sariling sasakyan. Tingnan lang natin kung hindi uhog ang maging luha ng mga ito sa kanilang pag-iyak at paglulupasay.

Kayong mga tsuwariwap, mag-ingat sa mga puwersa ng EDSA. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply