Panibagong oil price hike pinalagan ng Piston

MULING pinalagan ng militanteng transport group na  Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ang inanunisyo ng  Department of Energy (DoE) na may panibagong oil price  hike sa papasok ng linggo.

Ayon kay  George San Mateo, Secretary General ng (Piston), ang ginawang pagbubulgar ng (DoE) na meron na namang panibagong oil price hike sa Martes, Abril 12, ay patunay na talagang walang saysay ang fuel subsidy na ibinigay ng gobyernong Aquino sa transportation sector lalo na sa jeep at tricycle drivers.

Ayon kay San Mateo aabot sa P1.27 hanggang P1.29  kada litro ang posibleng  itaas ng produktong petrolyo kaya lulusawin nito agad ang nakatakdang 30-day fuel subsidy na pumapatak lang sa P1.15 kada litro ng diesel para sa jeep at P1.07 kada litro sa gasolina para sa tricycle na ipatutupad pa sa May 1.

Idiniin ni San Mateo patunay na talagang walang silbi ang fuel subsidy kung hindi sususpindihin ang Oil Deregulation Law (ODL) upang epektibong makontrol at mapigil ng gobyerno ang non-stop oil price hikes at overpricing gayundin ang pasuspinde sa Value Added Tax (VAT) sa langis upang ma rollback ang kada litro ng diesel sa P5.64 at gasolina sa P6.60.

Sinabi ni San Mateo na magpupulong ang mga lider ng (Piston) sa National Capital Region (NCR) at Rizal province upang ikasa ang piket-protesta sa tanggapan nang mga giant oil companies sa Makati City sa Martes bandang 10:30 ng umaga. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply