Pantawid Pasada cards ipamamahagi na ng DOE

NAKAHANDA nang ipamahagi ng Department of Energy (DOE) upang maipamigay ang “Pantawid Pasada” card sa mga public utility jeep sa itinakdang araw.

Ayon sa DoE ang Pantawid Pasada card na tinatawag na Public Transport Assistance (PTA) card ay ipamamahagi sa Metro Manila mula Mayo 2 hanggang katapusan.

Ang Bank of Philippine Islands (BPI) ang nanalo sa apat na bidding ng DOE Bids and Awards Committee na gagawa ng 220,000-PTA card.

Sinabi ni DOE Secretary Jose Almendras na ang inilaang pondong P450 milyon ay buong-buong maipamimigay sa mga kwalipikadong jeep sa pamamagitan ng nasabing card.

Kamakailan ay lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) si Energy Secretary Almendras, BPI executive vice president Ma. Ysabel Syllanteng at Landbank of the Philippines (LBP) first vice president for NCR branches group na si Daisy Macalino na ginanap sa Philippine National Oil Company.

Nakasaad sa MOA na ang Land Bank of the Philippines (LBP) ang tutulong sa DOE bilang settlement bank.

Ang BPI naman ang magiging responsable sa paggawa ng personalized 220,000 na card na nagkakahalaga ng P50 bawat isa para sa lahat ng kwalipikadong jeep. Inaasahan din na maidedeliver nila ang mga ito sa takdang araw ng pamimigay.

Ang BPI rin ang magsasagawa ng sistema kung paanong magagamit ang PTA card sa iba’t ibang gasolinahan.

Sinabi ng DOE na makikita sa nasabing card ang franchise number, plate number at ruta ng bawat jeep.

Yugto yugto ang pamimigay ng mga PTA card. Mauunang ipamimigay ng DOE ang nasabing card sa Metro Manila at susunod ang pamimigay sa iba’t ibang rehiyon na pamamahalaan naman ng mga rehiyonal na tanggapan ng Land Transportation Authority.

Simula sa ika 1 ng Hunyo ay kailangang ipakita ng mga drayber ang PTA card sa gasolinahang kanilang bibilhan upang makakuha ng diskuwento.

Ang PTA card ang interbensiyon ng pamahalaan upang mapagaan ang bumibigat na problema ng mga drayber bunga ng walang habas na pagtaas ng presyo ng mga produktong gasoline.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply