Papa Jack ex-macho dancer?

ANG maganda kahit na isang kahig at tuka ay napag-aaral pa rin sila ng kanilang ina at pagdating niya ng high school ay working student na si Papa Jack at isa pa sa pinagkakakitaan niya ay pagsali sa mga contest.

“Hindi ko naman ikinakahiya na sumasali ako noon sa mga bikini contest. Mga modeling contest kung tawagin nila. In fairness, nanalo naman ako at ilan beses din akong nanalo ng title.

(Gerry may duda ako na pati pag-macho dancing ay napasok rin ni Papa Jack, why not?_ED.)
Pinakamalaking cash na prize na nauwi ko ay P10,000.

Malaking bagay na yun sa pamilya namin. Masarap na ang nakakain namin nun,” say ni Papa Jack.

Hanggang sa makapasa siya sa entrance exam sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) na kung saan mass communication ang kaniyang naging kurso.

“Working student pa rin ako. Nagtrabaho ako bilang waiter naman. On the side, sumasali pa rin ako sa mga bikini contest sa mga comedy bar. Suki nga ako,” natatawang say pa ni Papa Jack.

Kapamilya kanya-kanyang baon?

NGAYON binayayaan siya ng magandang trabaho at career. Nagpapasalamat siya sa Panginoon at sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng tiwala mapasama sa talk show ng GMA 7 with Ali Sotto sa StarBox.

“I`d like to thank GMA 7 for giving me this big break on television. May mga offers na ako from different networks pero mas pinili ko ang maging Kapuso kasi sa GMA 7, may catering! May pagkain. Hindi kanya-kanyang dala ng pagkain,” biro ni Papa Jack. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply