Papalit kay Singson ikinasa na ng Comelec

ITINAKDA ng Commission on Elections (Comelec) ang special election sa darating na Mayo 28 para sa magiging kapalit ng nabakenteng posisyon ni Rep. Ronald Singson ng first congressional district ng Ilocos.

Matatandaa na si Singson ay kusang nagbitiw sa kanyang puwesto makaraang aminin nito ang isinampang kasong drug trafficking  sa Wan Chai District Court sa  Hong Kong.

Ang pagpa-file ng certificate of Candidacy (COC) para sa special polls ay itinakda sa sa May 9 hanggang 13, samantala ang  campaign period ng mga kakandidato ay itinakda sa loob lamang ng 13 araw, o mula Mayo 14 hanggang  26.

Sa en banc resolution, ipinahayag ng  Comelec ang panahon ng halalan sa lugar ay ay sisimulan sa Abril 28 hanggang Hunyo 17.

Sa panahon ng eleksiyon, kinakailangan ding sundin ng mga botante ang gun ban. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply