Papremyo sa Grand Lotto 6/55 lumolobo na naman

PATULOY nanamang lumolobo ang premyo sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos wala na namang nanalo sa pinakahuling pagbola nito.

Batay sa ulat ng PCSO, lumabas ang number combination na 09-20-18-48-51-36, na kung ito ay makuha, masusungkit sana ang premyong P117,541,612.80.

Inaasahang papalo na ito sa P120,000,000 o P130,000,000 sa susunod na pagbola.

Isinasagawa ang pagbola para sa 6/55 Grand Lotto draw tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa punong tanggapan ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Matatandaang noong nakaraang taon ay lumobo ang papremyo sa P740 million na nakuha ng isang balik-bayan na naninirahan sa Central Luzon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply