Para sa inang may cancer: Hubad na katawan pinapinturahan ni Mocha Uson

PALABAS na sa linggong ito ang international movie ni Mocha Uson na  “Crazy Idiots” (“Seksing Masahista”) kung saan ang kanyang lead actor ay ang baguhang si Zyruz Imperial na lumabas rin bilang bida sa Maguindanao-inspired massacre movie na “The Road To Ampatuan” ni Direk Jigz Recto.

Nasa-You Tube na ang trailer nila Zyruz at Mocha kasama si Rommel Padilla bilang kontrabida, Ramona Revilla, Danny Labra, Z. Lokman at Mocha Girls Mae Dela Cerna at Jhane Santiaguel.

Tayming sa nasabing  palabas ay may fundraising show si Mocha Uson na “Cleavage 3” para sa kanyang inang may breast cancer, stage 3  sa Abril 5, 8:00 p.m. sa Mugen Bar, Metrowalk, Pasig City.

Irarampa ni Mocha at Mocha Girls ang kanilang katawang hubad na puno ng body painting gawa ng mga artists ng Brady Advertising.

Ang mga special guests ni Mocha ay ang 6 Cyclemind, Magic 89.9, Boys Night Out and Ramon Bautista.  Ang mga sponsors naman ay ang Jancen Beauty Clinic, Miri Cooper Club, Sundari, Ideal  Vision, Yellow Tail Wines, Royal Entertainment Production, Jam 88.3,  Toni and Guy Salon, Playboy Fragrances, Rhino Herbal Tea, Papa J’s  Wiches and Wings, Sally  Hansen, Iflick Photo Booth, and Royal V Grapeseed. Ang ticket ay Php. 600. Para sa detalye tumawag sa 09175710001. Bernie Villaflor

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply