Parak binoga ng kelot na naka-motorsiklo

APAT na bala ang bumaon sa katawan ng isang pulis nang barilin ng lalaking lulan ng motorsiklo habang pumapasada sa kanyang sariling pampasaherong jeep sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital (CGH) sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang sina SP03 Ferdinand Eugenio, miyembro ng Caloocan City Police.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspect na inilarawang nasa pagitan ng 35–40, nakasuot ng helmet, jacket na itim, maong pants at rubber shoes at lulan ng motorsiklong walang plaka.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente pasado alas-7:00 Biyernes ng gabi, Abril 29, sa Road 20 Barangay Bahay Toro.

Bago ito, nabatid na namamasada ang biktima ng kanyang sariling pampasherong jeep nang dikitan at pagbabarilin ng isang lalaking lulan naman sa isang motorsiklo.

Ayon sa nakasaksi, hindi pa nakontento bumaba sa kanyang motorsiklo ang salarin at binaril pang muli ang biktima bago tuluyang tumakas sa hindi malamang direksyon.

Ibinasura naman agad ng pulisya na panghoholdap ang motibo sa krimen dahil wala namang nawalang bagay sa biktima.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa trabaho ang pagpatay sa biktima. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply