Paralisado tusta sa nasunog na bahay

NALITSON ang isang paralisadong lalaki makaraang masunog ang kanyang tinitirahang bahay kaninang madaling araw sa Barangay Potrero, Malabon City.

Ang biktimang halos burado ang mukha sanhi ng matinding pagkasunog ay si Danilo Caguite, 57, may-asawa, basurero, ng J. P. Bautista Ave., Potrero ng nasabing lungsod.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Patrick Alvarado, may hawak ng kaso, dakong alas-3:12 ng madaling araw nang bigla na lamang sumiklab ang apoy sa barung-barong ng biktima dahil sa natumbang gasera.

Dahil sa gawa lamang sa light materials ang bahay ng biktima ay mabilis na kumalat ang apoy. Hindi na nagawa pang makalabas ng biktima dahil sa kapansanan sa kanyang katawan at nabatid din na wala itong kasama.

Kaagad namang naapula ng rumespondeng bumbero ang nasusunog na bahay ng biktima kaya’t hindi na kumalat pa ang apoy.

Naideneklarang fire out ang barung-barong ganap na alas-3:45 ng madaling araw, kung saan umabot sa P10,000 halaga ang naitalang pinsala sa naganap na sunog. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply