Paralisadong basurero natusta sa sunog

KASAMANG natusta sa kanyang barong-barong ang isang paralisadong basurero na nagmula sa natumbang gasera sa Malabon City Lunes ng madaling-araw.

Halos hindi na makilala ang biktimang si Danilo Caguite, 57 ng J. P. Bautista ave., Potrero, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 3:12 ng madaling-araw, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang barong-barong nang matumba ang gamit na gasera.

Dahil sa gawa sa light materials ang barong-barong ay mabilis na kumalat ang apoy na naging dahilan upang makulong ang biktima.

Makalipas ang 30 minuto ay naapula ang apoy hanggang sa makita ang biktima na tostado na. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply