Parlor nilooban, may-ari sugatan

TINAMAAN ng bala sa tuhod ang may-ari ng isang beauty parlor na nilooban Biyernes ng hapon, Abril 15, matapos makipagbarilan sa mga salarin sa Tondo, Manila.

Isinugod sa University of Santo Tomas Hospital ang biktimang si Renato Constantino, 56. Isa sa apat na suspek ang tinamaan din umano sa katawan mula sa kalibre .22 ni Constantino ngunit nagawa pa rin tumakas ng mga ito sa direksiyon ng Juan Luna sa Tondo.

Batay sa ulat ni P/Insp. Rafael “Raffy” Melencio, blk. commander ng Manila Police District-Tayuman Police Community Precinct na sakop ng Station 7, dakong 4:50 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa Renalyn Beauty Parlor na matatagpuan sa panulukan ng Tayuman at G. Perfecto sts. sa Dagupan Tondo.

Lulan ng dalawang motorsiklo ang mga suspek at ang dalawa rito ay nagpanggap na kostumer. Ilang sandali pa ay nagdeklara na ang mga ito ng holdap at sapilitang kinuha ang kuwintas at singsing ni Constantino ganun din ang wallet, mobile phone at iba pang accesories bago mabilis na nagsisakay sa motorsiklo.

Habang papatakas, nagawang kunin ni Constantino ang kanyang .22 kalibreng baril saka ito nakipagbarilan sa mga suspek na armado rin ng mataas na kalibre ng baril.

Tinamaan si Constantino sa kaliwang tuhod ngunit nagawa naman nitong gumanti ng putok.

Matapos makarinig ng palitan ng putok ang mga tauhan ni P/Insp. Melencio, agad rumesponde ang mga ito sa lugar subalit nabigong abutan ang mga tumakas na suspek. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply