Partas bus tuloy ang biyahe kahit sinuspinde

BINALEWALA ng Partas Transport Corporation (PTC) ang suspensyon na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa pagkakasangkot ng isa sa kanilang bus unit sa pagkamatay ng uprising actor na si AJ Perez, dahil patuloy pa rin ito sa kanilang operasyon.

Sinabi ni Vigan Partas bus manager Ignacio Tadeo, hindi pa pinal at executory ang isang buwang suspensyon na ipinataw sa kanila ng LTFRB at kailangan pa muna itong idaan sa due process bago tuluyang itigil ang lahat ng kanilang operasyon.

Sa kasalukuyan, ang nasabing transport company ay patuloy na bumibiyaheng Manila-  Vigan route.

Ayon naman kay Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, ang bus na may plakang UVA 880 ng Partas na nakabangga sa aktor ay may 48 bus units na pinagbawalang bumiyahe.

Sinabi ni Iway na obligasyon ng alinmang bus company na magpaliwanag sa oras na may kinasangkutang aberya ang kanilang bus units.

Matatandaang pabalik na ng Maynila ang aktor buhat sa isang show sa Dagupan City, Pangasinan nang mag-overtake ang sinasakyan nilang van sa isang ten-wheeler truck at sa pag-overtake ay nakasalubong at nakasalpukan nito ang bus ng Partas.

Sinampahan na rin ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng Partas na si Julie Brillantes.  Robert C. Ticzon

Supensyon binalewala ng Partas bus 

BINALEWALA ng Partas Transport Corporation (PTC) ang suspensyon na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa pagkakasangkot ng isa sa kanilang bus unit sa pagkamatay ng uprising actor na si AJ Perez, dahil patuloy pa rin ito sa kanilang nag-ooperasyon.

Sinabi ni Vigan Partas bus manager Ignacio Tadeo, hindi pa pinal at executory ang isang buwang suspensyon na ipinataw sa kanila ng LTFRB at kailangan pa muna itong idaan sa due process bago tuluyang itigil ang lahat ng kanilang operasyon.

Sa kasalukuyan, ang nasabing transport company ay patuloy na bumibiyaheng Manila-  Vigan route.

Ayon naman kay Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, ang bus na may plakang UVA 880 ng Partas na nakabangga sa aktor ay may 48 bus units na pinagbawalang bumiyahe.

Sinabi ni Iway na obligasyon ng alinmang bus company na magpaliwanag sa oras na may kinasangkutang aberya ang kanilang bus units.

Matatandaang pabalik na ng Maynila ang aktor buhat sa isang show sa Dagupan City, Pangasinan nang mag-overtake ang sinasakyan nilang van sa isang ten-wheeler truck at sa pag-overtake ay nakasalubong at nakasalpukan nito ang bus ng Partas.

Sinampahan na rin ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng Partas na si Julie Brillantes.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply