Partas Buses, sinuspinde dahil sa pagkamatay ni AJ Perez

PINATAWAN ng isang buwan na suspensyon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Partas Transport Corporation dahil sa pagkamatay ng batang aktor na si AJ Perez sa isang vehicular accident sa Tarlac nitong nakalipas na Linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, ang bus (UVA 880) na naka-aksidente sa aktor na kabilang sa naturang korporasyon ay may 48 units kaya’t ang lahat ng mga bus na ito ay hindi maaaring bumiyahe mula Lunes Abril 18 hanggang Mayo 18 ng taong ito.

“Padadalhan namin ang pamunuan ng Partas ng show cause order para maipaliwanag ng operator nito kung bakit hindi dapat maparusahan kaugnay ng naganap na aksidente,” pahayag ni Iway.

Aniya, obligasyon ng alinmang bus company na magpaliwanag oras na may kinasangkutang aberya ang kanilang units. Santi Celario

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply