‘Party’ ni Ivler sa QC Jail pinaiimbestigahan

SISIBAKIN sa puwesto ng mataas na pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang warden ng Quezon City Jail kapag napatunayang siya ang nagpahintulot para mag-party si Jason Ivler sa loob ng piitan sa nasabing lungsod.

Inatasan na ni BJMP director Rosendo Dial si Senior Superintendent Hernan Grande, Quezon City jail warden, na magpaliwanag hinggil sa kumakalat na isyu sa internet hinggil sa pagpapa-party umano ni Ivler at ang umano’y VIP treatment sa loob ng kulungan.

Una nang lumabas sa internet ang litrato na nagpa-party ang road-rage suspect na may katabing babae at may mga bote ng alak sa mesa.

Pinasinungalingan naman ni Ivler ang ulat na binibigyan siya ng special treament ng BJMP. Gayundin pinabulaanan ni Grande ang alegasyon na binibigyan niya ng VIP treatment ang mga kilalang personalidad sa loob ng piitan.

“There is no VIP treatment. We are all treated the same,” pahayag ni Ivler.

Ayon kay Ivler, ang litratong natukoy ay noong 2009 pa kinuha at kasama niya ang kanyang mga pinsan at ilang babae na nag-iinuman.

“They give security for every visitor and our visitors will only be allowed entry once they have shown a valid ID and they are dressed properly,” pahayag pa nito.

Si Ivler ay nahaharap sa kasong murder matapos barilin at mapatay si Renato Ebarle Jr., anak ni Renato Sr., na nagtatrabaho sa Office of the Executive Secretary sa Malacañang, dahil sa isang traffic altercation noong Nov. 18, 2009. Alex Ching/Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply