Pasahero ng sidecar, sinaksak ng driver

ISANG empleyado ng Rock Energy Terminal 2 ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng isang sidecar driver Sabado ng madaling araw, Abril 2, sa Navotas City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamo nitong saksak sa dibdib ay nakilalang si Bernardo Villegas, 32, may asawa, checker/examiner ng Rock Energy Terminal 2 na matatgpuan sa loob ng Fishport, Northbay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Ang suspek na nakakulong na sa dentention cell at nahaharap sa kasong frustrated murder ay nakilalang si Joel Libanan, 20, may asawa, ng Sitio Sto. Niño, Marcelo Road, 10 NBBS ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Philip Edgar Bangayan ng Station Investigation Division ng Navotas police, ganap na alas-dos ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar matapos magkaroong ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Nabatid na sumakay ang biktima sa pinapasada ng suspek para bumili ng pagkain para sa pamilya.

Ayon sa pahayag ng saksing si Eduardo Pacaldo, sinisingil umano ng driver ang pasahero ng sobrang taas at pumalag ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Bumunot ng patalim ang suspek at dalawang ulit inundayan ng saksak sa dibdib si Villegas na duguang bumagsak sa kalsada.

Mabilis na pinasibat ng suspek ang kanyang sidecar palayo sa pinangyarihan ng krimen habang ang biktima naman ay agad isinugod sa pagamutan ng ilang nagmalasakit.

Nadakip ang suspek makalipas ang isinagawang follow-up operation at pormal na sasampahan ng kaso sa piskalya ng lungsod. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply