Presyo ng LPG magtataas sa Mayo

MULING nakaamba sa sususnod na buwan ang panibagong pasanin ng mamamayan makaraang ianunsyo ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) ang pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Mayo.

Sinabi ni LPGMA President Arnel Ty, hindi pa nila masabi kung magkano ang idaragdag sa presyo ng kanilang LPG subalit kumpirmadong tataas ito na posibleng ipatupad sa mga unang araw ng Mayo.

Aniya, ang pagtaas na ito ay base sa presyuhan sa world market sa April 30.

Ngayong Abril, dalawang beses na nagtaas ng presyo ng kanilang produkto ang LPGMA kaya nasa P695 na ang retail price ng 11-kilogram na tangke ng LPG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply