Pasaway na BI officials dapat ituwid ng landas

“MATUWID na landas”  ang mga katagang ginamit ni Pang. Noynoy Aquino kaya nahalal siyang Pangulo ng Pilipinas. Samantala sa pagkaka-appoint naman ni ret. AFP chief Gen. Ricardo David bilang commissioner ng Bureau of Immigration, kanyang sinabi na lilinisin niya ang bureau.

Kung totoo ang kanilang mga ipinangako dapat ngayon pa lang ay kumilos na sina Pang. Aquino at Gen. David. Bakit?

Sapagkat nasa BI ang “pinakapasaway” na midnight appointee na si Atty. Francis Oca, Senior Immigration Officer. May kinakaharap siyang kasong perjury sa Municipal Trial Court Branch 79, Las Piñas.

Sinampahan ng kaso si  Oca ng kanyang asawang si Grace matapos na mag-file ng annulment case ang huli sa Carmona, Cavite gayong sa Tondo siya nakatira.

Panahon na sigurong upuan nina Aquino at David ang kanilang mga ipinangako sa bayan na lilinisin ang hanay ng gobyerno partikular na ang Immigration.

Napag-alaman natin sa record sa BI na si Oca ay katakot-takot daw ang mga kasong kinakaharap nito.

Ibang klaseng BI opisyal itong si Oca dahil sa isang saglit lang ay na-short cut niya agad-agad ang kanyang posisyon sa senior immigration officer nang hindi naman siya napili ng board pagkat noong time na yun ay may nakapuwesto pa roon.

O hayan, Comm. David, binigyan ko na kayo ng tatrabahuhin ninyo! Baka naman puro daldal lang kayo!

TONG-COLLECTOR NG EPD, VK COP

Balikan natin muli itong tong-collector sa mga iligal na pasugalan sa EPD na si P02 Jigs S. na kinakanlong ni DIID Supt. Tuliao. Bukod sa tong-collector na ang mamang pulis na ito, may mga nakalatag pa siyang sandamukal na  makina (VK) sa Pasig City. Malakas ang mamang pulis na ito kay EDP Dir. Supt.  Francisco Manalo dahil tong-collector niya ito.

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o email juandesabog-@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply