Paslit nahulog sa estero, patay

PATAY na nang lumutang ang katawan sa isang estero ng isang 8-anyos na batang babae Sabado ng umaga, Abril 16, sa Sta. Ana, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Elena Oyson, grade 3 pupil at nakatira sa 1927 Dr. M. Carreon st., Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay PO2 Jayson Ibasco, dakong alas 6:20 ng umaga nakitang nakalutang ang biktima sa Estero de Pandacan ng ilang mga residente sa lugar.

Sa imbestigayson, inutusan umano ang biktima ng kanyang magulang Biyernes ng gabi, Abril 15, dakong alas 7:45 para bumuli ng itlog na maalat sa kalapit na tindahan ngunit hindi na ito nakabalik pa ng kanilang bahay.

Magdamag umanong naghintay at naghanap ang mga magulang nito subalit hindi ito natagpuan

Ayon pa kay Ibasco,possible umanong tumulay ang biktima sa may estero  kung saan may kongkretong semento at dahil madilim ang lugar ay maaring nahulog ang biktima sa maburak na tubig ng estero.

Sabado na  ng umaga nang makita ang biktima sa estero at agad itong inireport kay Chairman Teresita Viana ng Brgy. 866 Zone 95, Sta.Ana, Maynila na siya naming nagreport sa pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply