Passport applicants i-seminar sa droga; dayuhan i-drug test

UMAPELA ang isang dating opisyal ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa mga senador na isulong ang anti-drug seminar sa overseas Filipino workers (OFWs) o sinuman na iisyuhan ng pasaporte at magkaroon ng random drug tests sa mga dayuhan.

Sa kanyang mensaheng ipinadala sa Remate Online, sinabi ni Atty. Clarence Paul V. Oaminal, dating vice chairman at undersecretary ng DDB na masasawata ang problema sa pag-abuso sa droga kung hindi hahaluan ng pulitika at may malinaw na programa.

Kaugnay sa isyu ng drug mule, kung saan maraming mga Pinoy na ang biniktima, nanawagan si Oaminal kina Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto, III at Senator Gregorio Honasan, Chairman ng committee on public order and illegal drugs na magsagawa ng mga seminar sa mga batas ukol sa anti drugs law hindi lamang ng Pilipinas kundi ng ibang bansa bago mag-isyu ng pasaporte.

“This could be done through either in the amendment of the Philippine Passport Act of 1996 or Republic Act 8239, mandating that the seminar will be one of the minimum requirements for the issuance of the document.”

Maging si Pangulong Benigno Aquino III ay kinalampag ng abogado na mag-isyu ng executive order na nag-uutos sa Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat sumailalim sa seminar ukol sa iligal na droga ang lahat ng kukuha ng pasaporte.

Ang sapat na edukasyon at impormasyon ukol sa batas ng pagdadala ng droga ang pinakamabisang sandata sa pagpuksa sa OFWs na ginagawang drug mule ng mga sindikato.

Pangalawa, ayon kay Atty. Oaminal, dapat atasan ang Bureau of Immigration and Deportation na isailalim sa drug testing ang mga dayuhan na pinaghihinalaang drug courier o gumagamit ng droga sa kanilang pagtuntong sa mga paliparan pa lamang.

Idinagdag pa ng abogado, ang Japan na napakahigpit sa pagpapasok sa mga dayuhan na kahit hindi malinaw ang dahilan ay agad itong nagsasagawa ng deportasyon sa mga kahina-hinalang dayuhan.

Tinukoy pa ni Oaminal na maraming artistang Pilipino ang hindi nakapasok ng Japan dahil sa mga “derogatory report” mula sa mga intelligence office dito sa Pilipinas. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply