Pasyente inoperahan ng quack doctor todas

DAKIP ang isang arbularyo matapos malagutan ng hininga  ang kanyang pasyente na kanyang isinailalim sa  operasyon sa Agusan del Sur.

Sa report  sa Camp Crame, dinakip ng mga pulis ang quack doctor na si Amancio Reyes, ng P-2 Pasta, San Francisco, Agusan del Sur, habang kinilala naman ang kanyang biktima  na si Benjie Autina, 50, ng Rosario, nabanggit na probinsiya.

Sa  pahayag ni  P/Sr Insp. Joel Biñas, hepe ng  San Francisco Municipal Police Office, itinawag sa kanilang tanggapan ang pagkamatay ng pasyente ng albularyo na umano’y namatay makaraang operahan ng suspek.

Nabatid na nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek dahil sa sakit na ulcer na agad namang inoperahan ng salarin gamit ang mga matutulis na bagay kung saan hiniwa ng apat na beses ang tiyan ng biktima na ikinamatay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply