Pasyente sa Tahanang Walang Hagdanan nagbigti

RIZAL— Patay na nang madiskubre  ng kanyang  roommate ang isang pasyente ng Tahanang Walang Hagdanan sa mismong kanilang kwarto  habang nakabigti gamit ang GI wire sa Cainta.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Francisco Bardiago, 52, stay in sa nasabing institution sa 179 Aida St., Marick Subdivision, Housing 6, Brgy. Sto Domingo, nasabing bayan.

Sa ulat, dakong 9:45 nang pumasok sa kanilang kuwarto si Wilmar Valencia at laking gulat nang makita ang biktima na nakabitin sa kanilang kama kung saan nakatali ng GI wire ang leeg.

Agad na humingi ng tulong si Valencia sa kanyang mga kasamahan na tumawag sa pulisya para iligtas ang biktima.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply