Patay sa flash flood sa Thailand umabot na sa 51

UMABOT na sa 51 ang namamatay sa naganap ng flash flood noong nakaraang linggo sa Thailand.

Ito ang iniulat ng health ministry doon ngayon, Abril 4.

Base pa sa mga ulat, ang pagbaha ay nakaapekto na sa mahigit 2 milyong katao sa 10 probinsya doon.

Humihingi ng $146 milyon ang prime minister para sa rehabilitation ng mga apektadong lugar sa kabila ng hindi pa matukoy kung magkano ang naging economic loss dahil sa nasabing pagbaha.

Sa panahong ito, ang Thailand ay dapat na nakararanas na ng tag-init at ito rin ang itinuturing na pinakamainit na buwan doon. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply