Patutsada vs PNoy admin wa epek sa Malakanyang

WALANG pangamba ang Malakanyang sa kabila ng kaliwa’t kanang patutsada ng oposisyon laban sa administrasyong Aquino.

Ang katuwiran ni Communications Secretary Herminio Coloma ay mas mabuti na inilalabas ng oposisyon ang kanilang saloobin sa halip na sila-sila lamang ang nagkakaalaman nito.

Ani Coloma, mas mainam nang “harapan” ang panunuligsa ng mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon kaysa talikuran ang pagbanat sa kanila.

“Sa ating mga Pilipino, mas okey talaga ‘yung harapan, ‘di ba? Na magkakaharap tayong nagtatalakayan because this is healthy in a democracy,” ayon sa opisyal ng Malakanyang.

Aniya pa: “As a government, we are committed to be accountable to our people, including to the other political parties or sectors.”

Bagama’t tanggap umano ng Palasyo na hindi maiiwasan ang mga kritisismo, ang hiling lamang ni Coloma ay base sa katotohanan ang mga pagbabatikos kay Pangulong Benigno Aquino III.

“Sana lang, these (criticisms) would be based on facts, these would be issue-oriented and not personality-oriented,” sabi ni Coloma.

Una nang sinabi ni Quezon Rep. Danilo Suarez, na siya ring House minority leader, na lagi na lamang sila ang sinisisi ng Pangulong Aquino kaya panahon na para sumagot at ipaliwanag ang kanilang panig.

Sinabi pa ni Coloma na hindi nila papatulan ang pasaring ng mambabatas dahil ginagagalang nila ang mga political leaders ng distrito kung saan nanggaling si Suarez.

“Yung iba pong mga political parties that are not with the administration, ginagalang po natin sila and we expect them to do their duty in a democratic manner,” anito.

Handa umano ang Malakanyang sa anumang “bombang” pasasabugin ng kanilang mga kritiko.

“Handa naman po kami (sa pagbubunyag) dahil nga po may prinsipyo tayo na accountable ang ating pamahalaan,” ani Coloma. “We are prepared to hold ourselves accountable to our people. We are committed to openness and transparency in government.”

Idinagdag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na handa silang idepensa at ipaliwanag ang anumang usapin na ibabato laban sa Malakanyang.

Mas mainam ding mag-usap muna bago magsalita ang mga taga-oposisyon upang iisa ang linya, ani Valte.

Ito ay dahil iba umano ang sinasabi ni Suarez at iba rin ang pahayag ni Sen. Bong Revilla, presidente ng partidong Lakas-Kampi, kung saan titular head si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Siguro po kailangan nilang mag-usap bago po sila magsalita. Iba po ang sinasabi ni Representative Suarez, iba rin ang sinasabi ni Sen. Revilla. Ano ba talaga?” tanong ni Valte. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply