Paul Toledo ‘dinobol ded’ ng mga kasamahang mang-aawit

KAHIT tapos na ang musical tribute na inihanda nila ni Freddie Aguilar para sa namayapang isa sa mga ama ng Pinoy rock music, nanggagalaiti pa rin sa inis si Zeny Marcelo-Poe, ang balo ni Conrad Poe at hipag siyempre ni Fernando Poe, Jr. na si Zeny Marcelo-Poe.

“Ma-imagine mo naman, alam naman nilang tribute ‘yon, itong mga singer na ito, nagtatanong kung may talent fee daw ba. Hindi ba nila alam ang ibig sabihin ng tribute? Kaya nga tribute, e, di, walang strict na talent fee na pinag-uusapan. Kaya nga tribute, e.”

Bagamat ayaw nang ipabanggit pa ni Marcelo-Poe ang mga pangalan ng mga singer na nanghihingi o nagtatanong ng budget ay sinabi niyang inanyayahan niya ang mga ito pero hindi na nga tuluyang pumunta.

“Susmaryosep naman, malinaw naman ang usapan na walang budget,” paliwanag ni Zeny.

May nanghihingi pa ng pagkain na performer pero wala na nga siyang maibigay dahil ang ipinaluto niyang pansit ay maagang naubos ng mga bisita.

Gayunman, matagumpay ang palabas dahil maraming dumalong mang-aawit tulad nina Lukas, Pete Canzon, Watawat Band, Aurora Band, Edgar Opida, ang Elvis Presley ng Pilipinas, Romy Robles, Rhey Roldan, Bert Dominic, ang tinaguriang Tom Jones of the Philippines, ang Amazing Diva na si Armie Zuñiga, ang mga anak ni Ka Freddie, Jograd de la Torre, Art Galena at marami pang iba.

Nakapagbigay ani Zeny si Freddie ng pera sa pamilya ni Toledo mula sa entrance fee ng pagtatanghal sa paggunita sa namatay na rakista na Rod Stewart of the Phil.

ROI VINZON NAGPAPALAKI  NG BAYAG SA NEGROS

HUWAG isnabin at ang macho action star na si Roi Vinzon ay isa nang haciendero.             Tatahi-tahimik lang si Roi pero alam ba ninyong anim napu’t- apat na ektarya ng lupa ang kanyang sinasaka sa Talisay sa Negros Occidental?

Richy-richy kasi ang ikatlong asawa ni Roi.

Una niyang naging misis ang singer at modelong si Mae Cendaña na alam naman nating lahat na elitista rin sa pagiging anak ng dating  sekretaryo ni Ferdinand Marcos na si Greg Cendaña.

Nag-divorce na sina Mae at Rio at nagpakasal naman uli ang aktor sa isang hindi taga-showbiz at sa US din.

At ito namang ikatlo niya ay maganda at batambata pa sa gulang na thirty two.

O, direktor Noriel Jarito, thirty two years old ang pagkarinig ko kay Roi na edad ng kanyang misis ngayon.

Apat na taon nang nagsasama sina Vinzon at ang babaing itong pangatlong esposa ng bituin.

Pabalik-balik na lang si Roi sa Maynila at Talisay.

Pero paano naman ang mga ari-arian ni Vinzon sa Pampanga at Baguio?

Malalaki at malalawak din ang mga lupain niya sa mga lugar na ito.

May inihahanda nga si Ronnie Ricketts na isang parang “Expandables” para kay Roi na pagsasamahan ng mga action star na walang pelikula.

Huling napanood si Roi sa “Baklas” na tungkol sa pagbebenta ng  mga internal organs ng tao. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply