Pawnshop sa Rizal tangkang looban ng Daga-Daga gang

NAKAESKAPO ang mga miyembro ng Daga-Daga gang at tanging mga kagamitan na lang nila sa paghuhukay at pantungkab ng semento sa loob ng isang imburnal na gagawin sana nilang access para mapasok ang isang pawnshop ang naabutan ng pulisya sa Angono, Rizal.

Isang Liezel San Pedro, 24, ang nagbigay impormasyon sa pulisya na may naririnig silang mga tao sa ilalim ng imburnal na tila naghuhukay sa kalapit ng Cebuana Lhuilier Pawnshop sa 147 M.L. Quezon Ave., Barangay San Isidro, bandang-10:20 ng gabi.

Ginalugad naman ng pulisya ang nasabing imburnal kasama ang Marikina City Rescue Team at Pasig Rescue Team na nagbabakasakali na matagpuan ang mga magnanakaw subalit natagpuan lamang ang kanilang mga kagamitan.

Nakuha ng pulisya ang naiwang kagamitan ng mga magnanakaw sa loob ng imburnal na mga hacksaw blade, manual drill, miners flashlight, heavy duty jacks, crowbars, plastic bucket, isang pantalon, tatlong shorts at isang T-shirt.

Inaalam na ng pulisya kung ang mga bagong lipat na kalalakihan malapit sa imburnal ang suspek sa tangkang pagnanakaw. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply