Pay rules sa Black Saturday inilabas ng Dole

NAGPALABAS ng pay rules ang Department of Labor and Employment (Dole) na siyang susundin ng mga employer sa pagbabayad sa kanilang mga empleyado para sa Black Saturday na una nang idineklara ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III bilang isang special non-working holiday.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, alinsunod sa ipinatutupad na labor standards sa mga special non-working day, ang mga empleyado ay dapat na tumanggap ng 130 porsiyento ng kaniyang daily rate para sa unang walong oras ng trabaho.

Makakatanggap pa ito ng karagdagang 30 porsiyento ng kaniyang hourly rate kung magtatrabaho ito ng lampas pa sa walong oras.

Gayunman, ipatutupad sa mga empleyado ang no work, no pay policy kung hindi magtatrabaho ang isang empleyado sa nasabing araw, maliban na lamang kung may paborableng polisiya, practice o collective bargaining agreement (CBA) na ipinatutupad ang kompanya na nagkakaloob ng bayad para sa special days kahit hindi nagtrabaho ang isang empleyado.

Kung natapat naman ang special day sa araw ng pahinga ng empleyado at nagtrabaho ito ay dapat siyang bayaran ng 150 porsiyento ng kaniyang regular daily rate sa unang walong oras at karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate kung mag-u-overtime ito. Kyle Gatus

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply